Kinumpirma Huwebes, Nobyembre 1, 2018 ng Ministri ng Depensa ng Timog Korea na mula alas dose ng madaling araw, itinigil ng Timog at Hilagang Korea ang lahat ng mga ostilong aksyong militar sa lupa, dagat at himpapawid. Ito ay batay sa kaukulang kasunduang militar na nilagdaan ng kapuwa panig noong ika-19 ng Setyembre.
Ang pagtitigil ng ostilong aksyong militar ng dalawang bansa ay hindi lamang magpapahupa sa maigting na atmosperang militar ng Korean Peninsula at magpapahigpit ng pagtitiwalaan, kundi makakatulong din sa pagpapasulong sa proseso ng denuklearisasyon ng Korean Peninsula, at pagtatatag ng mekanismo ng pangmatagalang kapayapaan.
Salin: Vera