|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na inilabas Biyernes, Nobyembre 23, 2018, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, kinondena ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang dalawang teroristikong atakeng naganap nang araw ring iyon sa Pakistan.
Anang pahayag, nagpahayag si Guterres ng taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga biktima. Ipinahayag din niya ang malalim na simpatya sa pamahalaan at mga mamamayang Pakistani. Umaasa siyang mapaparusahan ang mga may kagagawan sa lalong madaling panahon, aniya pa.
Naganap Biyernes sa paligid ng isang pamilihan sa Orakzai tribal region sa dakong hilagang kanluran ng Pakistan ang bomb attack na ikinamatay ng di-kukulangin sa 25 katao, at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |