Mariing kinondena kahapon, Sabado, ika-24 ng Nobyembre 2018, ng United Nations Security Council (UNSC), ang dalawang pag-atakeng naganap nitong Biyernes sa Pakistan.
Ang naturang dalawang insidente ay pag-atake sa Konsulada Heneral ng Tsina sa Karachi, at teroristikong pag-atake sa hilagang kanluran ng Pakistan.
Hinahangaan ng UNSC ang pamahalaan ng Pakistan para sa mabilis na paggawa ng reaksyon sa naturang dalawang pag-atake. Ipinahayag din nito ang pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nabiktima, at ang pagtutol sa lahat ng porma ng terorismo.
Salin: Liu Kai