Idaraos sa Katowice, Poland, sa unang dako ng Disyembre ang ika-24 na pulong ng mga signataryong panig ng United Nations Framework Convention on Climate Change. Sa nasabing pulong, magbobotohan ang iba't ibang signataryong panig hinggil sa pagpapatibay ng mga detalyadong regulasyon sa pagpapatupad ng Paris Agreement.
Kaugnay nito, ipinahayag Lunes, Nobyembre 26, 2018 sa Beijing ni Xie Zhenhua, Espesyal na Kinatawan ng Tsina sa Mga Suliranin ng Pagbabago ng Klima, na buong tatag at aktibong haharapin ng Tsina, tulad ng dati, ang pagbabago ng klima. Umaasa rin aniya ang kanyang bansa na matatapos sa nasabing pulong ang talastasan sa mga detalyadong regulasyon ng pagpapatupad ng Paris Agreement.
Salin: Vera