|
||||||||
|
||
Beijing — Ipinahayag Martes, Nobyembre 27, 2018, ni Xu Nanping, Pangalawang Ministro ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, na ang paggigiit ng sustenableng pag-unlad ay komong palagay ng buong daigdig. Aniya, sa larangang pansiyensiya't panteknolohiya, igigiit ng Tsina ang inobasyon, reporma at pagbubukas sa labas, at ang ideya ng sustenableng pag-unlad para mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan at mapabuti ang kapaligiran.
Bilang signataryong bansa ng kasunduang "Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa Taong 2030" ng United Nations (UN), noong isang taon, isinapubliko ng Tsina ang "Ulat ng Progreso ng Pagsasakatuparan ng Tsina ng Agenda ng Sustenableng Pag-unlad sa 2030" kung saan inisyal na nilagom ang kagawian at karanasan ng bansa sa usaping ito. Sinabi ni Xu na sa larangang pansiyensiya't panteknolohiya, ang pagsasakatuparan ng Tsina ng ideya ng sustenableng pag-unlad ay nagiging komong palagay sa buong lipunan.
Nitong ilang taong nakalipas, ipinapauna ng Tsina ang inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya sa kaunlaran ng bansa. Ipinalalagay ni Xu na ang puspusang pagpapasulong ng Tsina ng inobasyon ay hindi lamang umaangkop sa kahilingan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, kundi maging sa tunguhin ng pag-unlad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |