Noong ika-9 ng Oktubre, 2018, sinimulan ang National Mass Entrepreneurship and Public Innovation Week ng 2018 sa Beijing at Panahon ng Entrepreneurship at Innovation ng Zhongguancun. Idinaos ang mga aktibidad sa Zhongguancun National Innovation Demonstration Zone ng Beijing.
Sa susunod na isang linggo, idaraos ang mahigit 30 aktibidad, gaya ng mga pagtatanghal, kompetisyon, simposyum at iba pa, para magpalitan ng mga karanasan at magpakita ng mga bunga hinggil sa entrepreneurship at innovation.
Tatlong beses ang idinaos ang nasabing National Mass Entrepreneurship and Public Innovation Week sapul noong 2015.
salin:Lele