Nang kapanayamin ng mamamahayag ng Reuters sa Washington Martes, Nobyembre 27, 2018, nagpahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Estados Unidos ng pag-asang malinaw na papatnubayan ng gaganaping pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap, at ipagkakaloob ang estratehikong patnubay para sa pagresolba ng mga grupo ng kapuwa panig ng mga konkretong problema na kinabibilangan ng mga problemang pangkabuhaya't pangkalakalan.
Sinabi ni Cui na ang gaganaping pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika sa panahon ng G20 Summit ay siyang tanging pagkakataon ng face-to-face communication nila sa kasalukuyang taon. Aniya, layon ng nasabing pagtatagpo na gumawa ng komprehensibong patnubay na estratehiko't pampulitika para sa relasyong Sino-Amerikano. May responsibilidad ang kapuwa panig na igarantiya ang tagumpay ng nasabing pagtatagpo. Mahigpit na nakikipagtulungan ang panig Tsino sa White House, Kagawaran ng Estado at ibang departamento ng Amerika, para sa lubos na paghahanda ng naturang pagtatagpo, dagdag ni Cui.
Salin: Vera