Ayon sa Xinhua News Agency, sinabi Miyerkules, Agosto 3, 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na ang gaganaping G20 Summit sa Hangzhou ay magiging summit na dadaluhan ng pinakamaraming umuunlad na bansa sa kasaysayan ng organisasyong ito. Aniya, sa kasalukuyan, maalwan ang iba't-ibang paghahanda para sa nasabing summit, at lipos ang kompiyansa ng Tsina para sa tagumpay ng summit.
Sinabi ni Wang na ang Tsina ay pinakamalaking umuunlad na bansa. Aniya, ang pangangalaga at pagpapaunlad ng lehitimong karapatan at kapakanan ng mga umuunlad na bansa ay responsibilidad at obligasyong dapat isabalikat ng Tsina.
Sinabi rin niya na sapul nang manungkulan ang Tsina bilang bansang tagapangulo ng G20 noong katapusan ng nagdaang taon, sa ilalim ng puspusang pagkatig at pakikilahok ng iba't-ibang kasapi, panauhing bansa, at organisasyong pandaigdig, napakasipag ng Tsina para magkakasunod na itaguyod ang mga pulong ng mga ministro ng kalakalan, enerhiya, hanap-buhay, at agrikultura, bagay na nakapaglatag ng mahalagang pundasyon para sa gagawing G20 Summit sa Hangzhou.
Idinagdag pa ng Ministrong Panlabas ng Tsina na ayon sa estadistika, may pag-asang mararating ang halos 30 mahalagang bunga sa nasabing summit na may pinakamaraming bunga sa kasaysayan.
Salin: Li Feng