Ayon sa Xinhua News Agency, ipinatalastas Lunes, Agosto 15, 2016, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaganapin ang Ika-11 G20 Summit sa Hangzhou, lalawigang Zhe Jiang ng Tsina, mula ika-4 hanggang ika-5 ng susunod na buwan. Dadalo rito ang mga lider mula sa mga kasaping bansa ng G20 at mga panauhing bansa, at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig. Dadalo at mangungulo sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Samantala, idaraos ang G20 Business Summit sa Hangzhou mula ika-3 hanggang ika-4 ng susunod na buwan. Dadalo at bibigkas din ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Pangulong Xi Jinping.
Salin: Li Feng