Kinatagpo Nobyembre 28, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Pedro Sanchez ng Espanya ang mga kinatawan ng China-Spain Business Advisory Council.
Pinasalamatan ni Xi ang pagsisikap ng mga mangangalakal sa kooperasyon ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Espanya. Nananalig aniya ang kooperasyon ng dalawang bansa na may mutuwal na kapakinabangan ay magiging mas kahanga-hanga at magdudulot ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Sanchez na masigla ang kabuhayan at kultura ng Tsina, at nagiging itong malakas na bansa sa kabuhayan at kalakalan, at ito rin ay mahalagang partner ng Espanya. Kumakatig aniya ang pamahalaan ng Espanya sa pagpapahigpit ng ugnayan ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa.
salin:Lele