Sa kanyang pagdalo Biyernes, Nobyembre 30, 2018, sa unang sesyon ng Ika-13 Summit ng Group of 20 (G20), nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa mga lider ng iba't-ibang kasaping bansa na dapat igiit ang ideyang "Look Beyond the Horizon and Steer the World Economy in the Right Direction." Dapat din aniyang ipakita ng iba't-ibang bansa ang katapangan at ang estratehikong pananaw, at igiit ang "pagbubukas, kooperasyon, diwa ng pagiging magkatuwang, inobasyon, at win-win" upang mapasulong ang pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig sa tumpak na landas.
Nitong sampung (10) taong nakalipas, napapatingkad ng G20 Summit ang masusing papel sa pagsasaayos ng kabuhayang pandaigdig. Ngunit sa ngayon, habang muling pinag-usapan ng mga lider ng iba't-ibang kasaping bansa ang tungkol sa kabuhayang pandaidig, ang katotohanang magkakasanib nilang kinakaharap ay malaking panganib ng pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, at grabeng epekto ng unilateralismo at proteksyonismo sa multilateral na sistemang pandaigdig. Ang patuloy na pagpapasulong ng globalisasyon, pagpapalawak ng malayang kalakalan, at pagpapalakas ng kooperasyon, o pagpapauna ng sariling kapakanan sa kapakanang pandaigdig, pagpapasulong ng unilateralismo at proteksyonismong pangkalakalan na nagdudulot ng kaligaligan sa buong daigdig, ay dalawang pagpili para sa iba't-ibang bansa.
Ibig sabihin, gumagawa ang mga bansa ng isang mahirap na pagpiling historikal, para sa kanilang sarili, at sa kabuhayang pandaigdig. Bago magdesisyon sa anumang pagpili, dapat nilang ipakita ang estratehiko't pangmalayuang pananaw.
Salin: Li Feng