Sa bisperas ng Ika-13 G20 Summit na gaganapin sa Buenos Aires, kabisera ng Argentina, ipinahayag ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pag-asang magsisikap ang bansa, kasama ng iba't ibang panig para mapasulong ang pagkakaroon ng mga pramatikong bunga ng gaganaping summit.
Sa regular na preskon nitong Huwebes, sinabi ni Gao na sa kasalukuyan, ang mekanismo ng kalakalan at pamumuhuan ay nagsisilbing pangunahing pillar na pangkooperasyon ng G20. Umaasa aniya ang Tsina na masasamantala ng iba't ibang kalahok ang nasabing summit para magbigay-ambag sa pagtatatag ng bukas at inklusibong kabuhayang pandaigdig at mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sa ngalan ng Tsina, lalahok si Pangulong Xi Jinping sa gaganaping summit.
Salin: Jade
Pulido: Mac