|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Marcelo Rebelo de Sousa, Pangulo ng Portugal, sinimulan Martes, Disyembre 4, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang opisyal na dalaw-pang-estado sa Portugal. Sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Portugal, ang biyaheng ito ay tiyak na makakapagpasulong pa sa relasyon ng dalawang bansa.
Nitong mga taong nakalipas, mainam ang pag-unlad ng relasyong pulitikal, mahigpit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, at madalas ang pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa. Mayroong silang napakalaking potensyal ng kooperasyon. Sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong 1979, madalas ang pagdadalawan ng mga lider ng dalawang bansa, walang humpay na tumataas ang pagtitiwalaang pulitikal. Noong taong 2005, naitatag ng dalawang bansa ang komprehensibo't estratehikong partnership.
Ayon sa opisyal na impormasyon, sa panahon ng nasabing biyahe, ipapalabas ng Tsina at Portugal ang magkasanib na pahayag tungkol sa relasyon ng dalawang bansa. Bukod dito, lalagdaan nila ang isang serye ng kasunduang pangkooperasyon sa iba't-ibang larangan. Ito ay makakapagpalakas sa komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa, at ibayo pang makakapagpasulong sa relasyong pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at Unyong Europeo (EU).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |