MAY pansamantalang Kalayaan si Senador Antonio Trillanes IV matapos magpiyansa sa usaping libelo na mula sa reklamo ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterre.
Nagbayad siya ng P 96,000 kay Pasay City Judge Rowena Nieves Chan Tan, P 24,000 sa bawat reklamong libelo na itinakda ni Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang ng Davao City Regional Trial Court Branch 54.
Magugunitang naglabas ng apat na warrants of arrest ang hukom sa Davao City, mula ang reklamo sa mga pahayag ni Senador Trillanes na nagsasangkot sa kanya sa pagpupuslit ng mga droga sa bansa at pangingikil sa mga pribadong kumpanya.
Pinaglagak din ang senador ng travel bond na nagkakahalaga ng P 200,000. Magtutungo siya sa Netherlands, Espana at United Kingdom sa mga susunod na araw.