Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Canada, sinusubaybayan ng daigdig

(GMT+08:00) 2018-12-13 14:16:18       CRI

Pinayagan nitong Martes, local time ng mataas na hukuman ng lalawigang British Columbia na mag-piyansa si Meng Wanzhou, Chief Financial Officer ng Huawei, telecom giant ng Tsina. Naisakatuparan ang bail sa ilalim ng garantiya ng 10 milyong Canadian dollars, kung saan pitong milyon ang pera at tatlong milyon ang ari-arian, kasama ng limang bailsmen.

Mga tagapagsuporta hawak ang mga placard at pambansang watawat ng Tsina sa labas ng mataas na hukuman ng British Columbia, sa ikatlong araw ng bail hearing  kay Meng, nitong Martes, Disyembre 11, local time (Larawan: IC)  

Walang dudang kaginhawahan ito para sa pakiramdam ni Meng at pamilya, kanyang kompanya at mga mamamayang Tsino na nabahala sa kanya. Tumpak at kapuri-puring hakbang ito ng panig Canadian, tungo sa tamang direksyon ng paglutas sa isyung ito.

Gayunpaman, malayo pa para muling magkaroon si Meng ng kalayaan. Maaaring humiling ang panig Amerikano ng extradition bago mag-Enero 8 ng taong 2019, bago muling humarap sa hukuman si Meng Pebrero 6, 2019. Kung i-e-extradite si Meng, may posibilidad na umabot sa 30 taon ang kanyang pagkabilanggo.

Pumasok ang Huawei sa pamilihan ng Canada noong 2008. Ayon sa mga ulat ng media ng bansa, walang rekord ng paglabag sa batas ng Canada ang Huawei. Bukod dito, itinatag ng Huawei ang mga sentro ng research and development (R&D) sa Ottawa, Toronto and Waterloo, at lumikha ng mahigit 500 trabahong lokal. Tagapagpatuyod din ang Huawei ng TV program na "Hockey Night in Canada," programa ng Canada na may pinakamataas na rating.

Kilalang kilala ang Canada bilang bansang nagmamahal ng kapayapaan. Pero, sa pagkakataong ito, nagpatupad ng batas ang Canada, sa ngalan ng Estados Unidos. Mahirap na maintindihan ang nasabing aksyon ng Canada.

Ang walang katuwiran at padaskul-daskol na ginawa ng Canada ay nagdulot na mga negatibong epekto sa relasyong Sino-Canadian. Maaari rin itong ikasindak at ikabahala ng mga ehekutibo ng ibang mga multinasyonal na kompanya na maaari rin silang maging target tulad ni Meng.

Kaya, matalinong desisyon ng Canada na palayain si G. Meng Wanzhou, sa lalong madaling panahon. Ang buong daigdig ay sumusubaybay sa Canada.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>