|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang batayan at haka-haka lang ang pagkabahala ni Andrus Ansip, Bise Presidente ng European Commission hinggil sa Huawei, telecommunication giant ng Tsina.
Si Lu Kang (Larawan: CGTN)
Ayon kay Ansip, posibleng ipinag-utos ng Pamahalaang Tsino sa mga kompanya ng teknolohiya na makipagtulungan sa intelligence service ng pamahalaan, tulad ng "mandatory back doors" para ma-access ang mga naka-encrypt na datos.
Sa regular na preskon nitong Lunes, Disyembre 10, sinabi ni Lu na ipinahayag lamang ni Ansip ang kanyang haka-haka at wala siyang ibinigay na nakakukumbinsing ebidensya. Ipinagdiinan din niyang batay sa regulasyon at batas ng Tsina, walang institusyon ng bansa ang binigyan ng pahintulot na pilitin ang mga kompanyang itatag ang di-umano'y "mandatory back doors."
Dagdag pa ni Lu, mas maraming bansa ang nagtuturing sa Huawei bilang mapagkakatiwalaang partner, at sa kasalukuyan, mahigit 20 bansa ang lumagda ng 5G commercial contract sa Huawei.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |