Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Canada, umabante sa prontera ng politikal na pagkidnap

(GMT+08:00) 2018-12-10 14:35:49       CRI

Agarang ipinatawag, Disyembre 8, 2018 ni Pangalawang Ministrong Panlabas Le Yucheng ng Tsina si John McCallum, Embahador ng Canada sa Tsina, upang igiit ang kaagad na pagpapalaya kay Meng Wanzhou, Chief Finance Officer (CFO) ng Huawei, na pinigil kamakailan sa paliparan ng Vancouver, sa ilalim ng mali't may-motibong politikal na kahilingan ng Estados Unidos.

Si Meng Wanzhou (larawan: VCG)

Ang kasabikan ng Canada na umabante sa prontera ng politikal na pagkidnap ay talaga namang nakakataranta sa mata ng mga taong sumusubaybay sa mga pangyayaring pandaigdig.

Ilang buwan lang ang nakalipas, hayagang kinondena ni Punong Ministro Justin Trudeau ng Canada ang Estados Unidos sa pagpapataw nito ng mataas na taripa sa mga inaangkat na bakal at aluminyo sa pangangatuwiran ng di-mano'y pambansang seguridad.

Sinabi niyang "bilang mga taga-Canada, kami ay magagalang, kami ay rasonable, pero hindi kami basta na lang maaaring itulak kahit saan."

Inilunsad ng Canada ang mga ganting hakbang, na kinabibilangan ng paghahabla sa Estados Unidos sa panel ng World Trade Organization (WTO) at pagsampal ng 25% taripa sa mga inaangkat na produkto mula sa Estados Unidos na nagkakahalaga ng 12.6 billion US dolyar, magmula noong unang araw ng Hulyo ng taong ito.

Ikinatuwa naman ng internasyonal na komunidad ang hakbang ng Canada upang ipagsanggalang ang sariling interes.

Magkagayunman, ang Canada, na "hindi basta na lang maaaring itulak kahit saan" ay biglang naging disonorableng "tagapagtulak:" ang pagpigil nito sa nasabing ehekutibo ng Huawei sa kahilingan ng Estados Unidos ay kapuwa kasuklam-suklam at nakakabagabag.

Sinabi ni Alex Duhaney (mula sa Ottawa), isang mambabasa ng isa sa mga pinakamalaking diyaryo ng Canada na the Globe and Mail, "Ako'y talagang nahihiya sa pakikisali ng aming pamahalaan sa pagkidnap at pagpapa-ransom sa isang pinuno ng kompanyang dayuhan. Ang kawalang-hiyaang ito ay nagdala ng kahihiyan sa aming kasalukuyang pamunuan at naglagay sa panganib sa mga Kanadyanong nagnenegosyo sa ibang bansa."

Ayon naman sa isa pang mambabasa mula sa Victoria, British Columbia na nagngangalang Larry Hannant, "sa ilalim ng kagustuhan ng administrasyon ni Trump, upang salungatin ang kasunduan ng United Nations Security Council (UNSC), inilunsad kamakailan ang parusang pagbangkulong sa Tehran, na malawakang kinondena.

Sa halip na gawin ang "tama," mukhang kinakampihan ng Canada ang isang nag-so-solo at tampalasang administrasyon na desididong maghasik ng di-pagkaka-unawaan sa halos lahat ng estado ng mundo."

Nitong ilang taong nakaraan, walang-tigil ang pagsira ng ilang kanluraning bansa sa reputasyon ng Huawei, at tinatawag nila itong espiya at banta sa seguridad ng impormasyon.

Pero, iba ang Canada sa ibang kanluraning bansa at hindi nito hinadlangan ang nasabing kompanyang Tsino sa pakikilahok sa mga mahalagang proyekto ng bansa.

Ang malalaking telecom service provider ng Canda ay gumagamit ng mga produkto ng Huawei; may kooperasyon ang BCE and Telus sa Huawei sa larangan ng 5G network; at ilang unibersidad ng Canada ay mayroon ding partnership sa Huawei.

Sa nakalipas na ilang buwan, sa paghahanap ng mas malawak na trade, mahigpit ang pakikipagpalitan ng Canada sa panig Tsino upang i-promote ang negosasyon hinggil sa kasunduan ng bilateral na malayang kalakalan..

Matapos malagdaan ng Canada, Mexico at Estados Unidos ang North American Free Trade Agreement (NAFTA) 2.0, naging malawak ang pagsasahimpapawid ng mga media hinggil sa di-umano'y "lasong pildoras" na probisyong inilagay ng Estados Unidos sa nasabing kasunduan.

Dahil dito, tinawagan ni Chrystia Freeland, Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Canada ang kanyang counterpart na Tsinong si Wang Yi upang ulitin ang paninindigan ng Canada na isulong ang kasunduan sa malayang kalakalan sa ibang bansa.

Mahigit 70 dalubhasang Kanadyano ang gumawa ng ulat hinggil sa kung paano mapapa-ikutan ang sugnay ng "lasong pildoras" sa NAFTA at isulong ang ugnayang ekonomiko at trade sa Tsina.

Noong nakaraang buwan, nasa Beijing sina Bill Morneau at Jim Carr, Ministro ng Pinansyo at Ministro ng International Trade Diversification ng Canada para sa unang "China-Canada economic and financial strategy dialogue," kung saan, kasamang nagtaguyod si Chinese State Councilor Wang Yong.

Sinabi ng pamahalaang Kanadyano na "muling pinagtibay ng kapuwa panig ang pangako sa pagpapalalim at pagpapalawak ng Canada-China economic and trade relationship."

Gayunman, lahat ng pagpupunyaging ito at iba pang mga positibong resulta ay naging kuwestiyonable sa pag-aresto sa ehekutibo ng Huawei.

Ayon kay Gordon Houlden, Direktor ng Chinese Institute sa University of Alberta, "ang buong pangyayari ay masamang balita para sa amin… Mukhang malabo nang payagan ng pamahalaang Kandyano na makilahok ang Huawei sa pagdebelop at implementasyon ng teknolohiya ng 5G sa bansa. Hindi ito papayagan ng mga Amerikano. Sa kabilang dako, hindi rin papayag ang mga Tsino na magkaroon ng sektoral na negosasyon sa malayang kalakalan, na nais ng Canada."

Nababalisa rin ang mga gumagamit ng Internet sa Canada, dahil ang kanilang inaasam-asam na murang bayarin sa 5G na Internet ay mawawalang parang bula.

Hinihimok ng marami sa kanila ang korte ng Canada at mga politiko na "maging matapang at huwag payagan ang ekstradisyon ni Meng Wanzhou." Sa totoo lang, ang mga di-umano'y aktibidad na labag sa batas ay mga imbensyon lamang ng iilang politikong nagnanais hadlangan ang trade sa pagitan ng ibang mga bansa, korporasyon, at indibiduwal. .

Sana, maiwasan ng pamahalaan at hudikatura ng Canada na maging biktima ng may-motibong poltikal na pangingidnap na ito.

Salin: Rhio
Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>