Pinayagan nang makapagpiyansa kahapon ng hapon, Disyembre 11 (local time), 2018, ang pinipigil ng Kanada na Chief Finance Officer (CFO) ng Huawei Company na si Ginang Meng Wanzhou.
Makaraang dakpin noong unang araw ng Disyembre si Meng sa presyur mula sa Estados Unidos, magkakasunod na nagpahayag ng pagkabahala at pagkadismaya ang mga overseas at ethnic Chinese at iba pang personahe mula sa iba't-ibang sirkulo ng Kanada. Mahigpit nilang hinihiling na palayain si Ginang Meng.
Ipinalabas din ng ilang kanluraning personahe ang mga artikulong nagsasabing ang layon ng paghiling ng Amerika sa Kanada na arestuhin si Meng ay bigyang-dagok ang Huawei Company at pigilin ang pag-ahon ng Tsina sa 5G technology. Ito anila ay "kahiya-hiya," at lantarang "kilos ng proteksyonismo."
Salin: Li Feng