Sa okasyon ng ika-17 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa World Trade Organization (WTO), sinabi kamakailan ni Keith Rockwell, Tagapagsalita ng WTO na napakahalaga ng pagiging miyembro ng Tsina sa organisasyon, at napakahalaga rin na may miyembro tulad ng Tsina ang WTO na buong-tatag na kumakatig sa multilateral na sistemang pangkalakalan, batay sa alituntunin.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na kinilala ng bansa ang obdiyektibong pagtasa ni G. Rockwell.
Ipinahayag ni Lu ang kahandaan ng Tsina na patuloy na pangalagaan, kasama ng ibang mga miyembro ng WTO ang core value at mga saligang alituntunin ng organisasyon.
Dagdag ni Lu, nitong 17 taong nakalipas, panlahatang naisakatuparan ng Tsina ang mga pangako nito sa pagbabawas ng taripa at pagbubukas ng pamilihan. Ito aniya ay proseso ng malalimang integrasyon ng Tsina sa globalisasyon. Bunga nito, ang Tsina ay nagiging pinakamalaking bansa ng daigdig sa kalakalan sa paninda, at nagpabilis ito sa kaunlarang pangkabuhayan at pagpapawi ng kahirapan. Kasabay nito, ang pag-unlad ng Tsina ay nagdulot din ng pagkakataon para sa kaunlaran ng ibang mga bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac