Tungkol sa bintang ng Amerika sa Tsina hinggil sa paglabag nito sa mga tuntunin ng World Trade Organization (WTO), pinabulaanan ito Hulyo 17, 2018, sa Beijing ni Hua Chunyin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. Aniya, laging sumusunod ang Tsina sa mga regulasyon sapul nang sumapi ito sa WTO.
Inilabas kamakailan ng Amerika ang ilang ulat na pumupuna sa Tsina at nagsasabing nilabag nito ang mga patakaran ng WTO, at ito ay naging mahalagang dahilan kung bakit nagsagawa ang Amerika ng mga unilateral na hakbanging pangkalakalan nakatuon sa Tsina.
Tinukoy ni Hua na nitong 17 taong nakalipas sapul nang lumahok ang Tsina sa WTO, hindi isinagawa ng Tsina ang anumang unilateral na hakbangin, at hindi rin ito lumabag sa diwa ng WTO na kalayaan, pagbubukas, walang-discrimination o tariff constraint, o espesiyal at magkakaibang pagpapalagay.
Aniya pa, hindi lamang itinaas ng Amerika ang sariling interes sa ibabaw ng interes ng buong daigdig, kundi itinaas ang sariling batas sa ibabaw ng mga batas na pandaigdig. Walang miyembro ng WTO ang kumakatig sa mga unilateral na aksyon ng Amerika.
salin:Lele