|
||||||||
|
||
Mula ika-16 hanggang ika-17 ng Disyembre, 2018, idaraos sa Lalawigang Luang Prabang ng Laos ang ika-4 na pulong ng mga ministrong panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC). Sa panahon ng kanilang pagdalo sa kapistahang pangkultura at pansining ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River na ginaganap sa Xishuangbanna, Lalawigang Yunnan ng Tsina, binigyan ng mga opisyal ng mga bansa sa kahabaan ng Mekong River ng mataas na pagtasa ang LMC.
Si Ounethouang Khaophanh, Pangalawang Ministro ng Impormasyon, Kultura at Turismo ng Laos
Ipinahayag ni Ounethouang Khaophanh, Pangalawang Ministro ng Impormasyon, Kultura at Turismo ng Laos na sa ilalim ng pagpapasulong ng mekanismo ng LMC, kapansin-pansin ang mga natamong bunga ng pagpapalitan ng Tsina at Laos sa aspekto ng kultura at turismo, lalung lalo na, dumarami nang dumarami ang bilang ng mga turistang Tsino sa Laos.
Kinapanayam ng mamamahayag si Soe Paing, Consul General ng Myanmar sa Kunming
Sinabi naman ni Soe Paing, Consul General ng Myanmar sa Kunming na sapul nang simulan ang mekanismo ng LMC noong 2016, nahaharap ang Myanmar sa mas maraming pagkakataon, at mayroon ding mas maraming responsibilidad at obligasyon. Patuloy na palalalimin aniya ng kanyang bansa, kasama ang ibang 5 kasapi ng LMC, ang kanilang pagpapalitang pulitikal at kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura at sining.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |