Jinghong City ng Prepekturang Awtonomo ng Lahing Dai ng Xishuangbanna, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Binuksan Miyerkules, Disyembre 12, 2018 ang 3-araw na kapistahang pangkultura at pansining ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River sa taong 2018.
Nagtitipun-tipon dito ang mga grupong pansining at artista mula sa 6 na bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River na kinabibilangan ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, at mga bansa ng Timog Asya, Silangang Asya, Kanlurang Europa, at Amerika.
Ang tema ng kasalukuyang kapistahan ay "katapatan, pagbibigayan, kooperasyon at win-win situation." Layon nitong sa pamamagitan ng mga aktibidad na gaya ng palabas ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River at Belt and Road, "A Great River" Xishuangbanna Foto Festival, pandaigdigang pagtatanghal ng sining ng Xishuangbanna, simposyum hinggil sa pangangalaga at pagpapalaganap ng mga pamanang kultural ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, porum ng literatura ng Lancang River at iba pa, pasulungin ang pagpapalitan ng sibilisasyon ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Vera