National Museum ng Tsina, Beijing—Idinaos Biyernes, Disyembre 14, 2018 ang pagpapalabas ng dokumentaryong "How China Made It," na magkasamang iprinodyus ng mga Tsino't dayuhan bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas. Sabay-sabay na isasahimpapawid ito sa loob at labas ng Tsina sa pamamagitan ng Discovery channel at Youku platform mula Disyembre 15.
Ikinukuwento ng nasabing dokumentaryo ang napakalaking pagbabago ng kabuhaya't lipunan ng Tsina at pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan nitong nakalipas na 40 taon, sa pamamagitan ng panayam sa maraming kilalang dalubhasa't iskolar sa daigdig. Nagpapakita ito ng kasiglahan at magandang prospek ng pag-unlad ng Tsina.
May tatlong episode ang dokumentaryo. Isinasalaysay ng unang episode ang napakalaking pagbabago at pag-unlad ng mga kanayunan ng Tsina na dulot ng reporma at pagbubukas. Ang ika-2 episode ay tungkol sa mga bagong pagkakataong pangkaunlaran ng mga Tsino, at paano silang lumikha ng mas magandang pamumuhay ng lipunan, habang nagsasakatuparan ng sariling pangarap. Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng pagbabago ng Tsina sa paraan ng pamumuhay sa mga aspektong gaya ng moda, edukasyon, kalusugan, paglalakbay at iba pa, ipinakikita naman ng ika-3 episode ng bunga ng pag-unlad ng Tsina noong nagdaang 40 taon, at magandang prospek sa hinaharap.
Salin: Vera