Idinaos kahapon ng hapon, Nobyembre 14, 2018 ng Komisyon ng Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma at Pagbubukas sa Labas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ang pagdiriwang para sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma at pagbubukas ng bansa sa labas.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng CPC ang pag-asang igigiit ng buong partido ang patnubay ng Ideya ng Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Bagong Yugto, at lalagumin ang natamong dakilang tagumpay at karanasan sa usapin ng reporma at pagbubukas sa labas. Umaasa aniya siyang lubusang marerealisa ng lahat ng mga mamamayang Tsino ang mahalagang katuturan at isusulong ang bandila ng reporma at pagbubukas sa labas, batay sa pagpapabuti at pagpapasulong ng sistema ng sosyalismong may katangiang Tsino, at pagpapasulong ng modernisasyon ng sistema sa pangangasiwa at kakayahan ng pangangasiwa ng estado.