Sa paanyaya ni Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos, dadalaw sa nasabing bansa si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at lalahok at mangungulo sa ika-4 na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) mula bukas, Disyembre 16 hanggang samakalawa, Disyembre 17.
Ang mekanismo ng Lancang Mekong Cooperation (LMC) na itinatag noong 2016 ay binubuo ng anim na bansa sa kahabaan ng Ilog Lancang-Mekong na kinabibilangan ng Cambodia, China, Laos, Myanmar, Thailand at Vietnam. Ang Lancang ay tawag ng mga Tsino sa Ilog Mekong sa bahagi sa Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac