Pinaplano ng Hainan, lalawigan sa dakong timog ng Tsina na itatag ang "single window" system para mapaginhawa ang pandaigdig na kalakalan sa Abril, 2019. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng isa lang portal, mag-a-access ang mga bahay-kalakal sa lahat ng mga resources at istandardisadong serbisyo mula sa iba't ibang departamento ng pamahalaan.
Ito ang ipinahayag ni Mao Chaofeng, Ehekutibong Pangalawang Gobernador ng Hainan sa isang preskon sa Beijing. Dagdag pa ni Mao, ang "single window" system ay isa sa 12 pangunahing proyekto ng Hainan para itatag ang primera klaseng pilot free trade zone (FTZ).
Nauna rito, ipinatalastas ng pamahalaang Tsino ang kapasiyahang itayo ang buong isla ng Hainan bilang pilot free trade zone. Isa itong hakbang ng Tsina bilang pagpapatupad sa pangako ng ibayo pang pagbubukas sa labas. Ang Hainan FTZ ay ika-12 at pinakamalaking free trade zone ng Tsina.
Salin: Jade
Pulido: Mac