Inilabas ngayong araw ng Tsina ang plano hinggil sa pagtatatag ng lalawigang Hainan sa dakong timog ng bansa bilang pilot na free trade zone (FTZ).
Ayon sa nasabing plano na inilabas ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina, isa itong pangunahing hakbang ng bansa para ipakita ang resolusyon ng ibayo pang pagbubukas sa labas at pasulungin ang globalisasyong pangkabuhayan.
Ayon sa plano, sa taong 2020, itatatag ang Hainan bilang de-kalidad na FTZ na nagtatampok sa maginhawang pagkakalakalan, maayos na kapaligirang pambatas, mainam na serbisyong pinansyal, at episyente at bukas na pamilihan.
Sa itatatag na FTZ, ibayo pang magbubukas sa labas ang mga sektor na gaya ng produksyon ng binhi, serbisyong medikal, edukasyon, turismo, telekomunikasyon, Internet, kultura, pinansya, abiyasyon, kabuhayang pandagat, at kotse ng bagong enerhiya.
Salin: Jade
Pulido: Mac