|
||||||||
|
||
Vientiane, Laos—Idinaos nitong Biyernes, Disyembre 14 ang seremonya ng pagsisimula ng konstruksyon ng Mahosot General Hospital, proyektong may ayuda ng pamahalaang Tsino.
Lumahok sa seremoya ang mga opisyal at kinatawan mula sa Ministri ng Kalusugan ng Laos, Pasuguan ng Tsina sa Laos, Laos-China Cooperation Commission at iba pa.
Seremoya ng pagsisimula ng konstruksyon
Nakatakdang matapos ang Mahosot General Hospital sa taong 2021. Kapag nakumpleto, magiging pinakamalaki at pinakasulong na hospital ito sa Laos. Magbibigay rin ang panig Tsino sa pagsasanay sa mga manggagamot, nars at iba pang mga tauhan ng hospital.
Artichetual design ng Mahosot General Hospital
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |