|
||||||||
|
||
Ginanap Lunes, Disyembre 17, 2018, ang seremonya ng paglilipat at pagsisimula ng Sarangani Drug Rehabilitation Center na itinayo sa ilalim ng tulong ng pamahalaang Tsino. Dumalo sa seremonya sina Zan Jinyuan, Commercial Counsellor ng Tsina sa Pilipinas, Li Lin, Consul General ng Tsina sa Davao, Francisco T. Duque III, Kalihim ng Kalusugan, Steve Chiongbian Solon, Gobernador ng probinsyang Sarangani, at mga opisyal ng departamentong medikal sa lokalidad.
Sa seremonya, ipinahayag ni Zan na bilang mainam na kaibigan at kapitbahay ng Pilipinas, palagian at puspusang tinutulungan ng Tsina ang Pilipinas para maisakatuparan ang pag-unlad ng lipunan at komong kaunlaran. Aniya, ang Sarangani Drug Rehabilitation Center ay unang tapos na proyekto sa pagitan ng dalawang pamahalaan sapul nang mapahupa ang tensyon ng relasyong Sino-Pilipino. Nakakatulong ito sa ibayo pang pagpapatibay ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, aniya pa.
Ipinahayag naman ni Duque ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina. Inaasahan aniya ng Pilipinas na magkakaroon ng mas maraming pakikipagkooperasyon sa pamahalaan at mga bahay-kalakal ng Tsina sa larangang medikal at pangkalusugan sa hinaharap.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |