Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino ay landas ng pagsunod at pangunguna ng Tsina sa tunguhin ng panahon, kaya dapat buong tatag na tatahak sa landas na ito.
Ito ang winika ni Xi sa kanyang talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa, na binuksan ngayong umaga sa Beijing.
Ipinagdiinan din ni Xi na kailangang pangmatagalang ipauna ang pagpapasulong ng pambansang kaunlaran at isagawa ang reporma't pagbubukas sa labas. Dagdag pa niya, kung paano palalalimin ng Tsina ang reporma't pagbubukas ay kailangang tumalima sa layunin ng pagpapabuti ng sistemang sosyalistang may katangiang Tsino at pagpapasulong ng modernisasyon ng pangangasiwa sa bansa.
Salin: Jade
Pulido: Mac