Ipinagdiinan Martes, Disyembre 18, 2018 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat igiit ng bansa ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng sosyalistang sistema na may katangiang Tsino, at walang tigil na paunlarin at palakasin ang bentahe ng sistema ng Tsina.
Aniya, dapat buong tatag na patibayin at paunlarin ng Tsina ang kabuhayang pampubliko, at buong tatag na pasiglahin, katigan at payuhan ang pag-unlad ng pribadong sektor ng kabuhayan. Dapat sirain ang lahat ng mga hadlang na pansistema at pangmekanismo sa proseso ng pag-unlad at bakod ng interest solidification, pabilisin ang pagbuo ng sistematiko, siyentipiko at mabisang sistema, at pasulungin ang pagiging mas mahusay ng sosyalistang sistema na may katangiang Tsino.
Salin: Vera