|
||||||||
|
||
Geneva, Switzerland--Natapos nitong Miyerkules, Disyembre 19 ng World Trade Organization (WTO) ang ika-14 na pagsusuri sa mga patakarang pangkalakalan at praktis ng Estados Unidos. Pinuna ng Tsina, European Union (EU), India, Hapon at ibang mga kasaping bansa ang Amerika sa pagpapataw ng mga proteksyonistang hakbanging pangkalakalan at pagpapatigil ng operasyon ng WTO sa pamamagitan ng paghadlang sa paghirang ng mga miyembro ng Appellate Body, dispute settlement mechanism ng organisasyon. Mahigit 1,700 nakasulat na may kaukulang tanong ang iniharap sa Amerika ng mahigti 40 miyembro ng WTO.
Sinabi ni Zhang Xiangchen, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa WTO, na bilang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang Amerika ay hindi nakapagsabalikat ng mga responsibilidad na dapat nitong isabalikat, nitong isang taong nakalipas. Sa halip, nakapinsala ito sa mga interes ng ibang mga bansa, diin ni Zhang.
Si Zhang (gitna) habang nakikipag-usap kay Dennis Shea, Embahador ng Amerika sa WTO (kanan)
Babala ni Marc Vanheukelen, Embahador ng European Union (EU) sa WTO, nasa matinding krisis ang multilateral na sistemang pangkalakalan at nasa epicenter nito naman ang Amerika.
Ikinabahala naman ng kinatawan mula sa Hapon na lalala pa ang proteksyonismo ng Amerika sa pangangatwiran ng "pambansang seguridad."
Saad naman ng kinatawan mula sa India, noon ang Amerika ay nagsilbing tagapagtaguyod ng kalakalang walang diskriminasyon, pero ngayon, ikinalulungkot ng India ang pang-aabuso ng Amerika sa mga proteksyonistang hakbanging pangkalakalan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
|Larawan: Opisyal na website ng misyong Tsino sa WTO
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |