Ipinahayag kamakailan ni Arancha Gonzalez, Punong Ehekutibo ng International Trade Center (ITC) na hindi mabisa ang unilateralismo sa anumang porma, dahil lumalalim na ang pag-uugnay at pagkadependa ng iba't ibang ekonomiya ng daigdig sa isa't isa. Ang ITC ay magkasanib na ahensiya ng United Nations Conference on Trade & Development (UNCTAD) and World Trade Organization (WTO).
Ipinahayag ni Gonzalez na ang proteksyonismo ay hindi maaaring magbigay ng proteksyon sa paghahanap-buhay. Aniya pa, ang daigdig ngayon ay nangangailangan ng mas maraming kooperasyon at mga hakbangin ng mutilateralismo.
Pinapurihan din niya ang Tsina sa pagbaba ng taripa, pagbubukas ng pamilihan, at pagpapalakas ng proteksyon ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR). Aniya, ang nasabing mga natamong progreso ng Tsina ay hindi lamang nakakabuti sa kabuhayan ng Tsina, kundi sa daigdig.
salin:Lele