Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagdiriwang sa bunga ng reporma at pagbubukas ng Tsina, kasama ng mga kaibigang dayuhan

(GMT+08:00) 2018-12-20 12:36:33       CRI

Ang patakaran ng reporma at pagbubukas na sinimulang isagawa noong 1978 ay hindi lamang malaking nagpabago sa Tsina, kundi malaliman ding nakaapekto sa daigdig. Habang sinasariwa ng Tsina ang tagumpay ng pag-unlad nitong nakalipas na 40 taon, hindi nakakalimutan ang mga kaibigang dayuhan na nagbigay minsan ng suporta at tulong sa Tsina.

Sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas na ginanap sa Beijing nitong Martes, 10 kaibigang dayuhan ang ginawaran ng China Reform Friendship Medal.

Kabilang sa kanila ay sina Alain Mérieux, mangangalakal na Pranses na nagbigay-tulong sa pagharap ng Tsina sa malulubhang pangyayaring pangkalusugan na gaya ng SARS at avian flu; Werner Gerich, unang dayuhang direktor ng isang bahay-kalakal na ari ng estado ng Tsina; Klaus Schwab, German engineer at ekonomista na tumulong sa Tsina sa pagsali sa kabuhayang pandaigdig; Konosuke Matsushita, industriyalistang Hapones na nagbigay-ambag sa pag-unlad ng industriyang elektroniko ng Tsina; Lee Kuan Yew, dating lider ng Singapore na buong tatag na sumuporta sa sariling modelo ng pag-unlad ng Tsina; at Juan Antonio Samaranch, tagapagpasulong sa pagbalik ng Tsina sa pamilya ng Olympiyada.

China-Singapore Suzhou Industrial Park

Ang mga kaibigang dayuhan na nagwagi ng friendship medal ay galing sa iba't ibang larangan na gaya ng sirkulong medikal, industriya ng pagyari, industriyang elektroniko, palakasan, serbisyo, pulitika, pinansya at iba pa. Magkakasamang sumaksi at nagbigay-ambag sila sa reporma at pagbubukas ng Tsina. Hinding hindi nakakalimutan ito ng mga Tsino.

Ang pag-unlad ng Tsina ay siguradong nagbunga ng napakaraming sorpresa sa daigdig: ang malaking pamilihan ng Tsina ay nagsisilbing bagong growth point ng maraming transnasyonal na kompanya; nitong nakalipas na maraming taon, lampas sa 30% ang contribution rate ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigidg; mula noong 2013 hanggang 2017, lumampas sa 200 libo ang hanap-buhay na bunsod ng sona ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan na itinatag ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road; sapul noong 2004, nagkaloob ang Tsina ng mahigit 300 beses na pandaigdigang makataong tulong, at 29.4% ang karaniwang taunang paglaki nito; bukod sa aktibong pakikisangkot sa mga aksyong pamayapa ng United Nations (UN), tinanggal ng Tsina ang ilampung bilyong yuan RMB na pautang sa mga di-maunlad na bansa, at ipinagkaloob ang di-kukulangin sa 60 bilyong dolyares na pondong pangkaunlaran sa mga bansang Aprikano; nagbigay rin ito ng pagsasanay sa ilandaang libong talento ng mga umuunlad na bansa.

Tulad ng sabi ni Pangulong Xi, unti-unting napupunta ang Tsina sa sentro ng arenang pandaigdig, at kinikilala ng komunidad ng daigdig ang Tsina bilang bansang naglilingkod sa kapayapaan ng daigdig, nagbibigay-ambag sa kaunlaran ng mundo, at nangangalaga sa kaayusang pandaigdig.

Ngayon, sinimulan ang bagong round ng reporma at pagbubukas ng Tsina. Magiging mas malaki at mas marami ang espasyo ng pag-unlad at pagkakataon na ipinagkakaloob ng Tsina para sa mga dayuhang kaibigan at bahay-kalakal. Ang pagsaksi, pagsali, at pagbabahagi ng bagong round ng reporma at pagbubukas ng Tsina ay isang pagkakataong karapat-dapat na samantalahin ng bawat kaibigan at bahay-kalakal na dayuhan.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>