Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pag-unawa sa bagong round ng reporma at pagbubukas ng Tsina mula sa tatlong anggulo

(GMT+08:00) 2018-12-18 16:09:25       CRI

Ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas, at dumarami ang tinig ng mga bansang kanluranin hinggil sa "Saan patungo ang Tsina", "Partner o kalaban ang Tsina," at "Pagkakataon o hamon ang Tsina." Sa ilalim ng ganitong kalagayan, makahulugan ang katuturan ng ika-3 Understading China Conference na binuksan sa Beijing nitong Linggo, Disyembre 16, 2018.

Layon ng Understanding China Conference na pahigpitin ang pag-uunawaan ng daigdig sa Tsina, at pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa loob at labas ng Tsina. Halos 600 personahe, na kinabibilangan ng halos 40 kilalang estadista, estratehista, at mangangalakal sa daigdig ang kalahok sa kasalukuyang konperensya.

Ang mga pagtatalong may kinalaman sa Tsina ng komunidad ng daigdig, lalung lalo na, mga bansang kanluranin, ay maaaring lagumin sa tatlong tanong. Ibig sabihin, anong uring bansa ang Tsina? Saan nanggaling ang Tsina? Pasaan ang Tsina? Ang nasabing tatlong tanong ay sinagot ng mga panauhing Tsino't dayuhan na kalahok sa komperensya.

Kaugnay ng unang tanong, sa kaniyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, tinukoy ni Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC, na maaaring maunawaan ng komunidad ng daigdig ang Tsina mula sa mga anggulong gaya ng palagiang pagigiit ng Tsina sa mapayapang pag-unlad, pagpapasulong sa kooperasyon at win-win outcomes, pagsunod sa katwiran at katarungan, pagmumungkahi ng unibersal na seguridad, paghahanap ng nagkakaisang paninindigan habang may reserbasyon pa rin sa mga pagkakaiba.

Hinggil sa ika-2 tanong, ginamit ni Zheng Bijian, Presidente ng China Institute for Innovation and Development Strategy, ang salitang "duality" bilang konklusyon sa progreso at depekto ng modernong Tsina. Halimbawa, pagkaraan ng 40 taong reporma't pagbubukas, tumaas sa mahigit 82 trilyong yuan RMB ang GDP ng Tsina noong 2017, mula mahigit 360 bilyong yuan RMB noong 1978. Pero nasa mga ika-70 puwesto ang per capita GDP nito sa buong mundo. Sa isang banda, ang Tsina ay malaking bansa ng industriya ng pagyari sa daigdig, at sa kabilang banda naman, nananatiling katamtaman at mababa ang lebel ng industriya ng pagyari ng bansa. Ang ganitong "duality" ay nagpapakitang ang bagong round ng reporma at pagbubukas ng Tsina ay hindi lamang batay sa makasaysayang progreso nitong nakalipas na 40 taon, kundi nakabatay din sa bagong pangunahing kontradiksyon ng lipunan.

Pasaan ang Tsina pagkaraang isagawa ang bagong round ng reporma at pagbubukas? Ipinalalagay ng mga kalahok sa komperensya na malinaw ang sagot, walang iba kundi ang target ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan at lipunan na iniharap sa Ika-19 na Pambasang Kongreso ng CPC: komprehensibong itatatag ang may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas sa taong 2020, isasakatuparan sa kabuuan ang sosyalistang modernisasyon sa taong 2035, at itatatag ang isang malakas na sosyalita't modernong bansa na may kasaganaan, demokrasya, sibilisasyon, at harmonya sa kalagitnaan ng kasalukuyang siglo.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>