Biyernes, Disyembre 21, 2018, nagpadala ng liham si Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa pagdaraos ng kauna-unahang pulong ng mekanismo ng people-to-people exchanges sa mataas na antas ng Tsina at India sa New Delhi.
Anang liham, sa kasalukuyan, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at India, mabilis na sumusulong ang pragmatikong kooperasyon, masiglang masigla ang people-to-people exchanges, at napapanatili ng kapuwa panig ang pag-uugnayan at pagkokoordina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Umaasa si Pangulong Xi sa pamamagitan ng nasabing mekanismo, pasusulungin ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at itatatag ang mas mahigpit na partnership ng pag-unlad ng dalawang bansa.
Salin: Vera