Bilang tugon sa pagwawasto ng Air India ng maling paglilista nito hinggil sa "Taiwan", sa regular na preskong idinaos Hulyo 5, 2018, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panalabas ng Tsina na ang naturang aksyon ng Air India ay pagkilala sa pundamental at pandaigdigang komong palagay na Isang Tsina at ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina. At ang ginawa ng Air India ay dapat kilalanin.
Ayon sa paguulat ng media ng India, mahigit 2 buwan pagkatapos magpadala ng Civil Aviation Administration of China ng kahilingan, iniwasto ng Air India ang maling lista sa opisyal na website nito na lumabag ng batas ng Tsina at sa patakaran ng "Isang Tsina".
Salin:Sarah