Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Batas ng pangangasiwa sa bakuna, binabalangkas ng Tsina

(GMT+08:00) 2018-12-24 10:22:36       CRI

Sinimulan nang suriin nitong Linggo, Disyembre 23, ng mga mambabatas ng Tsina ang balangkas na batas hinggil sa pangangasiwa sa bakuna para mapahigpit ang superbisyon sa industriyang ito.

Isinumite ang balangkas na batas sa lehislatibong sesyon ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, gabinete ng bansa, na idinaraos dalawang beses isang buwan, para sa unang pagbasa.

Mga botelyang naglalaman ng bakuna

Ayon sa panukala, kailangang suportahan ng bansa ang saligang pananaliksik at pananaliksik sa aplikasyon ng mga bakuna. Itinatakda rin nito ang pagpapaunlad, pagpoprodyus at pagrereserba ng mga bakuna para sa mga pangunahing sakit bilang pambansang estratehiya.

Pinahihigpit din ng balangkas na batas ang pagkontrol sa pahintulot sa mga bahay-kalakal na gumawa ng mga bakuna, at mayroon din itong karagdagang kahilingan para sa nasabing mga bahay-kalakal kumpara sa ibang mga kompanya ng pharmaceutical industry.

Anang panukulang batas, ang mga tauhang may pangunahing tungkulin sa mga kompanya ng bakuna ay kailangang pumasa sa pagsusuri sa kuwalipikasyon hinggil sa kanilang credit record, professional background at karanasan sa industriya.

Diin ng balangkas na batas, bawat batch ng mga bakuna ay dapat suriin ng mga awtorisadong institusyon bago ilabas sa pamilihan.

Nakasaad din sa panukala ang responsibilidad ng mga may kaukulang departamento ng pamahalaan, at mekanismo ng pagbabahagi ng impormasyon at pagsasapubliko ng mga impormasyong may kinalaman sa kaligtasan ng bakuna.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>