|
||||||||
|
||
Kapuwa umuunlad na bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig angTsina at India. Bukod dito, may mahigit 2,000 taong kasaysayan ng pagpapalitan ang dalwang bansa, pero, sa paglipas ng panahon, unti-unting naging limitado ang pagkaunawa ng mga mamamayan ng kapuwa panig sa isat-isa.
Noong April ng taong ito, idinaos sa lunsod Wuhan ng lalawigang Hubei ng Tsina, ang pangkasaysayang di-pormal na summit ng Tsina at India. Magkakasamang ipinasiya nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministrong Narendra Modi ng India ang pagsasagawa ng pinalakas na hakbangin para pasulungin ang malusog na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Para rito, ipinasiya ng dalawang panig na itatatag ang Sistema ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at India sa mataas na antas.
Noong nakaraang linggo, sinimulan sa New Delhi, kabisera ng India ang naturang sistema. Sa seremonya ng pagsisimula, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagkakatatag ng sistemang ito ay mahalagang komong palagay na narating nina Pangulong Xi at PM Modi. Ito rin aniya ay "mahalagang hakabangin na magpapasulong ng komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at India."
Samantala, sinabi naman ni Sushma Swaraj, Ministrong Panlabas ng India na, "ang pagpapasimula ng Sistema ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at India sa mataas na antas ay tiyak na magkakaloob ng bagong plataporma ng pagpapalitang pangkultura ng dalawang bansa, at bagong puwersang tagpagpasulong ng kooeprasyon ng dalawang panig."
Malakas aniya ang pag-asa ng mga mamamayan ng dalawang bansa, na ang nasabing kooperasyon ay maaaring magdulot ng "Siglo ng Asya."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |