Mula Disyembre 27 hanggang 28, 2018, ginanap sa Beijing ang Pulong ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng bansa. Dumalo at bumigkas ng talumpati si Hu Chunhua, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Puno ng Namumunong Grupo ng Konseho ng Estado sa Pagbibigay-tulong sa Mahihirap. Ipinagdiinan niya na dapat komprehensibong isakatuparan ang mga patakaran at hakbangin ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, at dapat ding puspusang itaas ang kalidad at bisa ng mga hakbang sa usaping ito, upang maigarantiya ang target sa nakatakdang panahon.
Ani Hu, natamo na ang napakalaking tagumpay. Pero, ang susunod na taon ay masusing panahon para sa usaping ito, at dapat igarantiyang mababawasan pa ng mga 10 milyon ang mga mahirap na populasyon sa kanayunan, dagdag niya.
Salin: Li Feng