Inilabas ngayong araw, Disyembre 31, 2018 ng China Media Group (CMG) ang pinili nitong sampung pinakaimpluwensyal na balita ng Tsina para sa taong 2018.
Kabilang sa nasabing sampung balita ay: una, pagpatibay ng rebisadong Konstitusyon ng bansa kung saan inilakip ang kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon; ikalawa, paghalal ng bagong liderato ng bansa at kauna-unahang panumpa ng lideratong Tsino sa harap ng Konstitusyon; ikatlo, pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng reporma't pagbubukas sa labas para ibayo pang mapalalim ang reporma't pagbubukas ng bansa; ikaapat, pagpapalalim ng reporma sa mga organo at departamento ng pamahalaan at Partido Komunista ng Tsina (CPC); ikalima, puspusang pagpapasulong ng pamahalaan sa pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal; ikaanim, paglahad ng ideya ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan sa iba't ibang okasyon; ikapito, buong-sikap na pagtatatag ng primera klaseng hukbong pandagat ng bansa; ikawalo, pagpapanumbalik ng kapaligirang ekolohikal ng Yangtze River sa pamamagitan ng pagpapasulong ng dekalidad na pag-unlad ng Yangtze River Economic Belt; ikasiyam, walang-humpay na pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsusog sa batas sa buwis ng individual income, pagpapasulong ng tulong sa mga may kapansanang bata, pagpapabuti ng medicare at iba pa; at ikasampu, pagbalangkas ng batas ng pangangasiwa sa bakuna.
Salin: Jade