Kahapon, Martes, unang araw ng Enero 2019, ay ang ika-10 anibersaryo ng pagsasaoperasyon ng China-Vietnam International Passenger Train. Ito'y linyang nasa pagitan ng Nanning sa timog-kanluran ng Tsina at Hanoi, kabisera ng Vietnam, at ang numero ng tren ay T8701/8702.
Ayon sa estadistikang inilabas ng China Railway Nanning Group Co., Ltd., nitong 10 taong nakalipas, sumakay sa naturang tren ang mahigit 400 libong person-time na pasahero. Ito ay nagbigay ng malaking ambag sa pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam.
Salin: Liu Kai