Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-3 ng Enero 2019, ni Ren Shiwen, Direktor-Heneral ng China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Legal Cooperation Center, na nitong mahigit 8 taong nakalipas sapul nang itatag ang sentrong ito noong katapusan ng taong 2011, nabuksan ang mga sangay nito sa 7 bansang ASEAN, na gaya ng Singapore, Malaysia, Thailand, Biyetnam, Myanmar, Laos, at Kambodya.
Isinalaysay ni Ren, na ang mga pangunahing tungkulin ng kanyang sentro ay pagkakaloob ng serbisyong pambatas sa mga bahay-kalakal na Tsino na may pamumuhunan sa mga bansang ASEAN, at paglutas sa mga alitang pangkabuhayan na kinakaharap ng naturang mga bahay-kalakal. Aniya pa, ang nasabing mga sentro ay mayroong mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mahigit 500 samahang komersyal at legal service agency ng mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai