Isinalaysay dito sa Beijing Martes, Nobyembre 27, 2018 ni Xu Ningning, Executive Director ng China-ASEAN Business Council na mula Enero hanggang Oktubre ng taong ito, halos 1,400 ang bilang ng mga bagong itinayong bahay-kalakal na may pamumuhunan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Tsina, at ito ay lumaki ng 34.6% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Samantala, 5.14 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng puhunang dayuhan na aktuwal na inilaan, at ito ay lumaki ng 17% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Winika ito ni Xu sa promosyon ng pagkakataong komersiyal ng pagpasok sa ASEAN na idinaos nang araw ring iyon.
Nang mabanggit ang bilateral na kalakalan, sinabi ni Xu na mula Enero hanggang Oktubre, 3.18 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, na lumaki ng 13.7%.
Dagdag pa ni Xu, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng ASEAN at ika-3 pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng direktang pamumuhunang dayuhan ng ASEAN sa kasalukuyang taon. Aniya, ang pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ay hindi lamang angkop sa komong interes ng Tsina at mga bansang ASEAN, kundi nagsilbi ring komong responsibilidad ng kapuwa panig.
Salin: Vera