|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono Biyernes, Enero 4, 2019, sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel kung saan pinag-usapan nila ang kasalukuyang situwasyon ng Syria.
Ipinagdiinan ng dalawang panig na kailangang lubos na puksahin ang terorismo at pasulungin ang paglutas sa isyu ng Syria sa paraang pulitikal sa lalong madaling panahon. Anila pa, palalakasin ng Rusya at Israel ang pagsasanggunian sa iba't-ibang antas.
Noong Disyembre 19, 2018, idineklara ng White House na kasunod ng natatamong bunga sa pagbibigay-dagok sa "Islamic State (IS)" sa Syria, sinimulan na ang pag-urong ng mga tropang Amerikano mula sa Syria.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |