Banjul, Kabisera ng Gambia--Nakipagtagpo Sabado, ika-5 ng Enero, 2019 si Pangulong Adama Barrow ng Gambia kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina.
Sinabi ni Barrow na ito ang kauna-unahang pagdalaw ng ministrong panlabas ng Tsina sa kanyang bansa, bagay na nagpapakita ng katapatan at determinasyon ng panig Tsino sa pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang Tsina ay pinakamahalagang kooperatibong katuwang ng Gambia, mahigpit ang mithiing pulitikal ng kanyang bansa sa pagpapalakas ng kooperasyon sa Tsina, at umaasang gaganda nang gaganda ang relasyong Sino-Gambian.
Sina Wang Yi (kaliwa), Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Pangulong Adama Barrow (kanan) ng Gambia
Ipinahayag naman ni Wang Yi na sapul nang mapanumbalik ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Gambia, mabilis at komprehensibong umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang buong tatag na pagkatig ng Gambia sa simulaing Isang Tsina, at nakahandang walang humpay na palakasin ang pagtitiwalaan ng dalawang bansa, at katigan ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes, upang makapaglatag ng mas matibay na pundasyong pulitikal sa pag-unlad ng kanilang relasyon sa hinaharap.
Salin: Vera