|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Miyerkules, Enero 9, 2019, ng Unyong Europeo (EU) ang paglakip sa isang departamento ng impormasyon ng Iran at dalawang Iranyo sa listahan ng terorismo at pagpapataw ng sangsyon.
Ayon sa EU, ang nasabing kapasiyahan ay may kaugnayan sa mga naganap na insidente ng pananalakay sa loob ng EU. Ngunit, hindi inilabas ng EU ang anumang detalye tungkol sa nasabing insidente ng pagsalakay.
Ipinalabas naman Miyerkules ng Ministring Panlabas ng Iran ang pahayag bilang mahigpit na pagkondena sa pagpapataw ng sangsyon laban sa Iran. Anang pahayag, isasagawa ng Iran ang mga kinakailangang katugong hakbangin.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |