Sa preskong idinaos sa Beijing Huwebes, Marso 8, 2018, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na sa kasalukuyan, patuloy na bumubuti ang situwasyon sa South China Sea (SCS), at nagkaroon ng mataas na pagkakasundo ang Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Aniya, ang pinakamalaking hamong kasalukuyang kinakaharap ng situwasyon sa SCS ay nagmumula sa puwersang dayuhan, at sila ang nagiging pinakamalubhang hadlang sa kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.
Ipinagdiinan din ni Wang na hinding hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng SCS. Ang pagiging responsable sa kapakanan ng mga mamamayang Tsino, katotohanang historikal, kapayapaang panrehiyon, at pandaigdigang batas, ang mga batayan ng paghawak ng Tsina sa isyu ng SCS, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng