Sa panahon ng kanyang biyahe sa Gitnang Silangan, biglang dumalaw Miyerkules, Enero 9, 2019, sa Baghdad, kabisera ng Iraq, si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Kinatagpo siya ng mga lider ng bagong pamahalaan ng Iraq. Tinalakay ng kapuwa panig ang mga isyung gaya ng kooperasyon sa pagbibigay-dagok sa terorismo.
Ayon sa pahayag ng Tanggapan ng Pangulo ng Iraq nang araw ring iyon, ipinahayag ni Pangulong Barham Salih ang pag-asang sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon at pandaigdig, mababawasan ang mga di-matatag na elemento sa mga bansang Arabe, at lubusang mapagtatagumpayan ang ekstrimismo at terorismo.
Ipinahayag naman ni Pompeo na ang Iraq ay mahalagang estratehikong katuwang ng Amerika sa mga larangang gaya ng pulitika, kabuhayan at katiwasayan. Nakahanda aniya ang Amerika na mamuhunan at sumali sa rekonstruksyon ng Iraq, lalung lalo na, tulungan ang Iraq na muling itatag ang mga lunsod na pinalaya mula sa ekstrimistang organisasyong "Islamic State (IS)."
Sinimulan Lunes ni Pompeo ang kanyang pagdalaw sa 8 bansa sa Gitnang Silangan na gaya ng Jordan, Ehipto, Saudi Arabia at iba pa. Ang Iraq ay hindi inilakip sa balak na iskedul nauna rito.
Salin: Vera