Isang Zhongxing-2D satellite ang napaimbulog ng Tsina, sa pamamagitan ng Long March-3B carrier rocket, ala-1:11 ngayong madaling araw, Enero 11, sa Xichang Satellite Launch Center, Sichuan, lalawigan sa dakong timog-kanluran ng bansa.
Nakapasok na sa nakatakdang orbita ang nasabing communication and broadcasting satellite. Inaasahan itong magkakaloob ng transmission service para sa mga istasyon ng radyo, telebisyon at cable television networks.
Kapuwa ang Zhongxing-2D satellite at Long March-3B carrier rocket ay idinebelop at niyari ng China Aerospace Science and Technology Corporation (CASTC).
Salin: Jade
Pulido: Mac